Pagbabago sa BI patuloy – Mison
MANILA, Philippines - Tiniyak ni Immigration (BI) Commissioner Siegfred B. Mison na tuluy-tuloy ang kanilang pagbabago alinsunod na rin sa kautusan ni pangulong Noynoy Aquino na baguhin ang sistema sa tatlong kawanihan.
Ayon kay Mison ang kanilang kampanya laban sa anti-graft and corruption ay bahagi ng nakaraang State of the Nation address (SONA) ni Aquino kung saan sinabi ng pangulo na ang BI ay isa lamang sa tatlong kawanihan talamak ang korupsiyon.
Ito na rin ang dahilan kung kaya’t inilagay si Mison bilang officer-in-charge upang makamit ng BI ang “daang matuwid.”
Bagama’t pangunahing tungkulin ng BI na tiyakin ang seguridad ng mga international borders at points of entry at departure, nais ding linisin ng BI ang kawanihan mula sa mga mapang-abuso at corrupt na opisyal.
Kamakailan ay nagsagawa ng pagbalasa si Mison sa BI kung saan sinibak ang mga personnel na sangkot sa iba’t ibang katiwalian.
Bahagi rin ng modernization at automation program ng BI ang pagkakaroon ng 230 new passport readers. Layunin nito na maiwasan ang overcrowding at ng queues sa mga BI counter, partikular sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
- Latest