Helper todas sa saksak
MANILA, Philippines - Dalawang saksak sa dibdib ang tinamo ng isang 24-anyos na junkshop helper matapos na abangan ng kanyang dating kaalitan sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang nasawing biktima na si Joseph Lucero, residente ng Building 27, Aroma Compound, Tondo.
Isang alyas “Robin” ang tinutugis ng mga awtoridad na itinuturong responsable sa pagpatay kay Lucero.
Sa ulat ni SPO1 John Duran ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-11:20 ng gabi nang abangan ng suspek na armado ng patalim ang biktima sa may Sitio Damayan, Tondo.
Naglalakad lamang umano ang biktima kasama ang isang kaibigan sa Sitio Damayan nang biglang salubungin at atakihin ng suspek. Nang duguang humandusay ang biktima, mabilis na tumakas ang suspek bitbit ang ginamit na patalim.
- Latest