^

Metro

Most wanted nalambat

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nalambat na ng Quezon City Police District ang isang lalaki na kabilang sa most wanted person  matapos ang isinagawang pagsalakay sa kanyang lungga sa Manila.

Ayon kay QCPD director Police Chief Supt. Richard Albano, ang suspek ay kinilalang si Emiliano Calisa, 51, alyas Bangkay at Longhair ng Baseco compound, Port Area, Manila.

Sabi ni Albano, si Calisa ay itinuring na No. 2 sa listahan ng most wanted person sa lungsod dahil sa mga kasong murder at frustrated murder na kinasasangkutan nito.

Nadakip si Calisa sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Bernelito R. Fernandez ng QC-RTC branch 97 dahil sa nasabing mga kaso. Ang kasong murder ay walang piyansa habang P200,000 bail naman ang inirekomenda para sa frustrated murder

Ayon sa ulat, ganap na alas 7:30 ng gabi nang madakip ng mga operatiba ang suspek sa may kahabaan ng CM Recto St., Divisoria, Tondo Manila. Si Calisa ay kinasuhan noong October 2011 kasama ang isang Reynaldo Canciller na nauna nang nadakip ng CIDU operatives noong March 2014. Si Canciller ay nasa ika-8 sa most wanted person ng Palo, Leyte.

AYON

CALISA

EMILIANO CALISA

JUDGE BERNELITO R

POLICE CHIEF SUPT

PORT AREA

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

RECTO ST.

REYNALDO CANCILLER

RICHARD ALBANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with