^

Metro

Ginang na trader, dinukot ni mister?

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang negosyanteng ginang ang dinukot umano ng kanyang sariling mister, kamakalawa sa Pasay City.

Kinilala ang biktimang si Ma. Rosario “Jinky” Pangilinan, 42,  nakatira sa Block 7, Lot 4, Saint Catherine Village, Paranaque City.

Ang suspek na mister naman ay nakilalang si Mel Pangilinan.

Base sa naging salaysay nina Rowena Palwa, 40, dalaga, isa ring negosyante at ng mag-asawang Conrado at Marlyn Rabang, pawang mga kaibigan ng biktima sa tanggapan ni Police Chief Inspector Angelito De Juan, hepe ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), Pasay City Police, naganap ang insidente sa pagitan ng alas-5:30 ng hapon  at alas-6:00 ng gabi  sa harapan ng isang coffe shop  na matatagpuan sa Blue Wave Complex, Macapagal Boulevard, Pasay City.

Ayon kay Palwa, nalaman lamang niya ang insidente  matapos tumawag sa kanyang cellphone ang isa pa nilang kaibigan na si Jay Salaguste, Special Investigator 3, ng Anti-Cyber Crime ng National Bureau of Investigation (NBI)  na dinukot umano  si Ma. Rosario ng mister nitong si Mel.

Nabatid pa kay Palwa bago naganap ang pagdukot  at pagtawag ni Salaguste, tumawag muna sa kanyang cellphone ang biktima, na ayon dito ay nasa Starbucks Coffee ito kaya’t kaagad na pinuntahan nina Palwa at mag-asawang Rabang si Ma. Rosario sa naturang lugar at nagbabakasakali sila na maabutan pa nila ang  biktima.

Subalit, naabutan na lamang ng mga ito ay ang inabandonang Toyota Fortuner  na pag-aari ng biktima na nakaparada sa parking area sa naturang lugar.

Ayon sa Scene Crime Operations (SOCO), ng Southern Police District (SPD), nang kanilang inspeksiyunin ang loob ng Toyota Fortuner  ang nakita lamang nila dito ay ang mahahalagang gamit, dokumento at cash na  nagkakahalaga ng P50,000.00.

Napag-alaman pa rin sa ilang guwardyang nakatalaga sa ilang  establisimento ng Blue Wave Complex, napansin nga nila ang isang babae na kahalintulad sa description ni Ma. Rosario,  na nag-aabang ito ng taxi at sumisigaw na “hayaan mo na ako! pabayaan mo na ako! at huwag mo na akong pakialaman!”

Patuloy ang isinasagawang follow up operations ng pulisya at NBI.

vuukle comment

ANTI-CYBER CRIME

AYON

BLUE WAVE COMPLEX

JAY SALAGUSTE

MACAPAGAL BOULEVARD

MARLYN RABANG

PALWA

PASAY CITY

TOYOTA FORTUNER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with