Estudyante tumungga ng lason
MANILA, Philippines - Patawirin ang buhay ngayon ng isang 18-anyos na estudyante makaraang umano’y uminom ng isang uri ng lason sa rooftop ng bahay nito sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.
Kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon sa loob ng Mary Jhonson Hospital ang biktimang si Jarren Renz Pura, isang nursing student, ng North Bay Boulevard South, ng naturang lungsod.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-6 kamakalawa ng gabi nang matagpuan ang nakalugmok na biktima ng kanyang nakababatang kapatid na si Joshua sa rooftop ng kanilang bahay.
Sinabi ni Joshua na may puting likido na nagmumula sa bibig na walang malay niyang kapatid.
Agad namang humingi ng tulong ito sa mga kaanak at dali-daling dinala ang biktima sa pagamutan kung saan mabilis na nalapatan ng lunas.
Patuloy na inaalam naman ng pulisya kung sadyang nagtangkang naglason ang biktima at kung ano ang motibo nito.
- Latest