^

Metro

11 preso pumuga sa Mandaluyong

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Labing-isang preso ang iniulat na pumuga makaraang lagariin ang rehas sa kanilang selda sa Mandaluyong police detention cell, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Senior Supt. Tyrone Masigon, hepe ng Mandaluyong police, nasa pagitan ng ala-1:00 hanggang alas-3:00 ng madaling araw ng isagawa ang pagtakas ng mga preso  sa pamamagitan ng paglagari sa rehas na bakal na nagkokonekta sa toilet sa likod ng selda.

Ang mga pumugang preso ay pawang nahaharap sa petty crimes tulad ng theft, pick pocket, falsification of public documents at iba pa.

Sinabi ni Masigon, pinangunahan ng isang Djordan Villadolid ang pagtakas ng mga preso na natuklasan lamang ganap na alas-5:00 ng madaling araw nang isagawa ang headcount.

Agad naman nagsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ni Masigon sa Welfareville Compound na nagresulta ng muling pagkakaaresto ng isang preso na si Gabby Capistrano.

Tinutugis pa ng mga awtoridad ang 10 pang preso habang agad na ni-relieved  ang limang jail guard at kanilang superior na naka-duty nang mangyari ang pagpuga.

Nabatid sa imbestigasyon na tatlong araw umanong nilagari ng mga preso ang kanilang rehas at para hindi marinig at mabuko ay isinasagawa ang paglagari sa tuwing bumubuhos ang ulan.

Sinasabing walo sa mga nakapuga ang hindi sana sasama sa pagtakas, pero gini­sing at tinakot umanong bubugbugin ng grupo ni Villadolid kung hindi sasama sa kanila.

Sa ngayon ay hinigpitan na at sumasailalim sa masusing pagrekisa ng mga dalaw na hinihinalang nagdala ng lagari na ginamit sa pagpuga ng mga preso.

 

DJORDAN VILLADOLID

GABBY CAPISTRANO

MANDALUYONG

MASIGON

PRESO

SENIOR SUPT

TYRONE MASIGON

WELFAREVILLE COMPOUND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with