^

Metro

Pader tumba kay ‘Glenda’: 1 patay, 6 sugatan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 27-anyos na babae makaraang madaganan ng gumuhong pader ang kanilang bahay sa kasagsagan ng bagyong Glenda, kama­kalawa ng umaga sa Valenzuela City.

 Nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Jackielyn Sumapang, habang sugatan naman at dinala sa Valenzuela General Hospital ang lima niyang kaanak na sina Soledad Castro, 52; Joel Mercado, 20; Joemar Mercado, 8-taong gulang; Divine Mercado, 5-anyos; at Jesus Dizon, 54, pawang mga naninirahan sa Nar­ciso St., Brgy. Canumay East, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, pawang nasa loob ng bahay ang mga biktima nang mabuwal ang pader ng compound ng kompanyang Nikon Industries at madaganan ang kanilang bahay dakong alas-8:10 kama­kalawa ng umaga.

Pinakanapuruhan sa magkakaanak si Suma­pang na kalalabas lamang umano ng pagamutan sa hindi pa mabatid na karamdaman at nakahiga sa kanyang kuwarto nang madaganan ng pader.

Tanghali na nang ma­tagpuan ng “search and rescue team” ang bangkay ng biktima.

Inaalam naman ng mga awtoridad ang posibleng pananagutan ng kum­panya na nagmamay-ari ng gumuhong pader.

 

vuukle comment

CANUMAY EAST

DIVINE MERCADO

JACKIELYN SUMAPANG

JESUS DIZON

JOEL MERCADO

JOEMAR MERCADO

NIKON INDUSTRIES

SOLEDAD CASTRO

VALENZUELA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with