Nanloob, kumatay sa mag-asawa sumuko
MANILA, Philippines - Sumuko sa pulisya ang itinuturong pangunahing suspek na pumaslang sa mag-asawang senior citizen sa Caloocan City kamakailan, makaraang hindi umano makayanan ang kurot ng konsensya.
Nakatakdang sampahan ngayon ng kasong double homicide ang suspek na nakilalang si Benber Lacre, 41, ng Pag-asa, Quezon City.
Matatandaan na dakong alas-4:30 ng madaling- araw noong Hulyo 8 nang pasukin ng dalawang suspek ang bahay ng mag-asawang sina Herminigildo Suarez, 74; at Rosalina, 75, sa may Laforteza Subdivision, Camarin, ng naturang lungsod. Nakahingi naman ng saklolo sa mga kapitbahay ang 13-anyos na kasambahay na si Liway Salvalosa na nagresulta sa pagkakadakip ni Camposano habang nakatakas si Lacre. Wala nang buhay nang datnan ng mga kapitbahay ang mag-asawang Suarez sa loob ng bahay dahil sa tinamong mga saksak sa katawan.
Unang dinampot ng pulisya ang 34-anyos na si Efren Camposano na itinurong tumulong kay Lacre na tumakas. Dinampot din ang tatlo pang construction worker.
Inamin ng suspek ang nagawang pagpatay habang nasa impluwensya siya ng alak. Wala umano siyang balak na pagnakawan ang mag-asawang Suarez ngunit inamin na kursunada ang dalagitang si Salvalosa
- Latest