^

Metro

2 holdaper, arestado

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Timbog sa isinagawang follow-up operation ng Manila Police District- Station 2 ang dalawang holdaper na tumangay sa elevator feel computer na nagkakahalaga ng $5,795 o katumbas ng P249.185.00 nang tutukan ng improvised shotgun ang pahinante ng truck habang nakahinto dahil sa traffic lights sa tulay ng Delpan, sa Tondo, Maynila, noong nakalipas na linggo.

Kahapon, iniharap sa mga mamamahayag ang dalawang suspek na nakilalang sina Mark Vargas, 21; at Ramil Romero 35, ng nasabi ding lugar.

Sa ulat ni Senior Insp. John Guiagui, hepe ng Delpan Police Community Precinct, dakong alas-2:10 ng hapon, noong nakalipas na linggo nang akyatin ang truck na nakahimpil at tutukan ng improvised shotgun ng isa sa dalawang suspek ang pahinanteng si Jerry Ancheta, 43,  ng Brotherhood Transport Services Incorporated at kinuha ang nasabing computer at saka mabilis na tumakas.

Nang ireport sa na­sabing PCP ay nagsagawa ng follow-up operation hanggang sa matunton ang kinaro­roonan ng dalawa.

Narekober ang nasabing elevator feel computer at shotgun na ginamit.

BROTHERHOOD TRANSPORT SERVICES INCORPORATED

DELPAN

DELPAN POLICE COMMUNITY PRECINCT

JERRY ANCHETA

JOHN GUIAGUI

MANILA POLICE DISTRICT

MARK VARGAS

RAMIL ROMERO

SENIOR INSP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with