^

Metro

2 salvage victim natagpuan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang bangkay ng lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa isang barangay sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat, ala-1 ng madaling-araw nang matagpuan ang bangkay ng biktimang nakilala sa pangalang Augusto Flores, 34, ng Sto. Niño, Brgy. Concepcion, ng naturang lungsod, malapit sa kanilang bahay.  Nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa ulo.

Sa hindi kalayuan, isang bangkay ng lalaki na nakilala lamang sa alyas na Sioning ang natagpuan malapit sa Lambingan Bridge sa naturang barangay.  Nagtamo rin ng tama ng bala sa ulo ang biktima na ikinasawi nito.

Blangko naman ang pulisya sa pagkakakilanlan ng mga salarin dahil sa pagiging tikom ang bibig ng mga residente sa pangyayari.  Hindi naman matiyak rin ng mga pulis ang motibo sa pamamaslang.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

vuukle comment

AUGUSTO FLORES

BLANGKO

BRGY

CONCEPCION

DALAWANG

LAMBINGAN BRIDGE

MALABON CITY

NAGTAMO

PATULOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with