^

Metro

Tau Gamma member ilalaglag ang mga brad

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Upang lumakas ang kaso, ginawa nang state witness ng Department of Justice ang isa sa mga miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity kaugnay sa pagkamatay ng neophyte na si Guillo Servando.

Bagaman kinumpirma ni Justice Secretary Leila de Lima ngayong Miyerkules ang pagpasok ng fratman sa Witness Protection Program, tumanggi naman siyang pangalan ang hawak nilang testigo.

Sumuko kagabi ang miyembro ng Tau Gamma sa National Bureau of Investigation (NBI) at inilahad ang alam niya sa sinapit ng 18-anyos na estudyante ng De La Salle-College of Saint Benilde.

Kaugnay na balita: Miyembro ng Tau Gamma Phi sumuko na

Sinabi ng abogadong si Joel Tobera ng NBI Death Investigation Unit na idinetalye sa kanila ng testigo ang mga nangyari noong initiation rites sa isang bahay sa Makati City.

"To strengthen further our case, as further  revelation of the witness in his sworn statement explained to us his blow by blow account," wika ni Tobera sa isang panayam sa telebisyon.

Dagdag niya na anumang araw mula ngayon ay maaari na nilang isampa ang kaso laban sa mga suspek.

Nagbigay na ng kanilang mga sinumpaang salaysay ang iba pang neophytes na sina John Paul Raval at Lorenze Agustin.

Ilan sa mga kakasuhan ay sina Tau Gamma chapter president Cody Morales, umano'y master initiator Emeng Calupas, fraternity secretary Daniel Martin Bautista, Pope Bautista, Hans Tamaring, Trex Garcia, Kevin Navoa, at Carl Floresca.

CARL FLORESCA

CODY MORALES

DANIEL MARTIN BAUTISTA

DE LA SALLE-COLLEGE OF SAINT BENILDE

DEATH INVESTIGATION UNIT

DEPARTMENT OF JUSTICE

EMENG CALUPAS

TAU GAMMA

TAU GAMMA PHI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with