^

Metro

Produktong petrolyo muling sumirit

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Panibagong dagdag   pasanin sa publiko lalo na sa mga motorista ang muling pagtataas  sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis, kahapon ng umaga.

Nabatid na  ang oil price hike ay pinangunahan ng  Pilipinas Shell, Petron Corporation at Chevron Philippines at ang pagtaas  ay nasa  P0.45 kada litro ng gasolina at P0.10 naman sa diesel na epektibo kahapon ng alas-6:00 ng umaga.

Sumunod ding nagtaas ng kaparehas na halaga   ang Seaoil, Total Philippines at Phoenix Petroleum habang wala naman paggalaw sa presyo ng kerosene. Ang panibagong pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng halaga ng langis sa pandaigdigang pamilihan dahil sa patuloy pa ring   tumitinding ang kaguluhan sa Iraq.

Bukod pa sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, samantala  ang Petron Corporation ay nagbaba naman ng presyo ng kanilang Liquefied Petroleum Gas (LPG) na P0.10 kada kilo na katumbas ng P1.10 kada tangke na tumitimbang ng 11 kilogram habang sa auto LPG naman ay nasa P0.06 kada litro na epektibo rin ng alas-alas-6:00 ng umaga kahapon.

Matatandaan, na  huling nagpatupad ng pagtaas ng presyo ng  gasolina ang naturang mga oil company  ng langis ay noong Hunyo 24 ng taong kasalukuyan.

vuukle comment

BUKOD

CHEVRON PHILIPPINES

HUNYO

LIQUEFIED PETROLEUM GAS

MATATANDAAN

PETRON CORPORATION

PHOENIX PETROLEUM

PILIPINAS SHELL

TOTAL PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with