^

Metro

Biyuda huli sa abortive pills

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang isang biyuda matapos na mahulihan ng iba’t ibang uri ng pampalaglag sa Quiapo,  Maynila.

Ayon kay Plaza Miranda-PCP Commander, Insp. Rommel Anicete, umaabot sa 338 na mga tabletas ng abortive pills ang nakuha kay Car­melita Artates, 59 ng no. 920 Rosarito St. Sampaloc,  Maynila.

Batay sa imbestigasyon, alas-3 ng hapon no­ong Hunyo 25  nang  magsagawa ng clearing­  ope­ration sina PO3 Joseph Almayda at PO2 Joseph Ryan Talaguit ng Plaza Miranda PCP sa panulukan ng  Carriedo at Palma Sts., sa Quiapo.

Pinakiusapan ng dalawang pulis ang mga vendor na iatras­ ang kanilang mga paninda dahil wala nang mada­anan ang mga tao. Sumunod naman ang mga vendor maliban sa suspek hanggang sa magkaroon ng hatakan at nakuha ang 88 piraso ng 50 milligrams at 200 micrograms ng Arthrotec pills;  40 piraso ng  Methylergometrine Maleata pills, 10 piraso ng Methylergometrine Oxytocic pills at 200  piraso ng iba pang uri ng pampalaglag.

Sinabi ni Anicete na  mahigpit ang pagbabawal ng pagbebenta ng anumang abortive pills lalo pa’t  sa paligid ito ng  Quiapo church.

Ang mga nakuhang abortive pills ay dadalhin sa Food and Drugs Administration para sa laboratory analysis. Sasampahan ng kasong paglabag sa  R.A 8092 (Obstruction-Illegal Vending) at R.A. 4279 (Prohibits the Sale, Dispense and Distribution of Drugs Cytotec) si Artates.

ARTATES

DRUGS ADMINISTRATION

DRUGS CYTOTEC

JOSEPH ALMAYDA

JOSEPH RYAN TALAGUIT

MAYNILA

METHYLERGOMETRINE MALEATA

PLAZA MIRANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with