^

Metro

3 ‘tulak’ arestado sa hiwalay na drug bust

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang tatlong ‘tulak’ ng droga sa magkaka­hiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Valenzuela at Malabon City kahapon.

Sa Valenzuela City, nakilala ang nadakip na suspek na si Jan Serben Pat, alias Kulas, 18,  ng Sitio Cabatuhan ng naturang  lungsod.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis  hinggil sa pagbebenta ng shabu ng suspek sa nasabing lugar na naging dahilan upang magsagawa ng buy-bust operation alas-10:00 ng umaga.

Nang iabot ng suspek ang isang sachet ng shabu kapalit ng P300 sa isang pulis na umaktong poseur buyer ay agad na dinamba ang binata kung saan nakuhanan pa ito ng tatlong sachet ng droga. 

Samantala sa lungsod ng Malabon ay kapwa arestado rin ang  mga ‘tulak’ na sina  Reynaldo De Jesus, 40, at Jessie Igmasin, 23, kapwa ng Concepcion St., Brgy. Tugatog ng naturang lungsod.

Sa report ng Malabon City Police, nakatanggap sila ng reklamo hinggil sa talamak na bentahan ng droga sa naturang lugar.

Alas-3:20 kamakalawa ng hapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga pulis kung saan naaresto ang dalawang suspect.

 

vuukle comment

CONCEPCION ST.

JAN SERBEN PAT

JESSIE IGMASIN

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

REYNALDO DE JESUS

SA VALENZUELA CITY

SITIO CABATUHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with