^

Metro

Gawaan ng pekeng pera, dokumento sinalakay

Ludy Bermudo at Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang pagsalakay ang isinagawa  ng mga tauhan ng  Manila Police District (MPD) sa tinaguriang “Recto University “ o  mga sindikato na namemeke at nanggagaya ng mga official documents, peso bills, diploma at iba pa kamakailan sa nabanggit na lungsod.

Ang sinalakay ay ang kahabaan ng CM Recto, sa Sta Cruz, Maynila kaugnay  sa mga iligal na gawain, kabilang ang pagdakip sa sangkot sa gumagawa at nagbebenta ng mga pekeng gamot, medical products, mga opisyal na dokumento at pekeng pera .

Kamakalawa, dakong alas 5:00 ng hapon nang pagbibitbitin ang mga tinaguriang ‘fixer’ at ‘canvasser’ ng sindikato na umabot sa 14 na katao, habang noong nakalipas na Linggo naman ay nasa 20 katao ang dinampot din at pinagharap ng kaukulang kaso.

Ang raid ay  pinangunahan  ni   MPD  Chief  Directorial Staff Senior Supt. Gilbert Cruz  makaraang mismong ang maging biktima ay ang Bureau of Permit ng mga pekeng  pera na ibinayad ng nagsasagawa ng  transaksiyon.

Agad namang isinagawa ang surveillance kung saan natunton ang lugar na pinag­lulunggaan ng mga suspects at saka isinagawa ang pagsalakay.

Nasamsam ng mga ope­ratiba ang mga computers, CPU, plaka ng sasakyan at plate sa paggawa ng pekeng pera .

Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang mga nabanggit.

 

vuukle comment

BUREAU OF PERMIT

DALAWANG

DIRECTORIAL STAFF SENIOR SUPT

GILBERT CRUZ

MANILA POLICE DISTRICT

RECTO UNIVERSITY

STA CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with