^

Metro

Metrowide earthquake drill, giit gawing regular

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanawagan  kahapon ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) hinggil sa  pagsasagawa ng Metro Manila-wide earthquake drill upang paghandaan na rin ng mga residente  ang pagdating ng kalamidad matapos  yanigin ang ilang bahagi ng Metro Manila at karatig probinsiya ng 5.7 magnitude na lindol, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, dapat aniyang  gawing regular ng mga tanggapan ng pamahalaan, local government units gayundin ng mga pribadong organisasyon ang earthquake drills at disaster management trainings upang mapanatili ng publiko ang kaalaman nito kung ano ang mga dapat gawin tuwing may lindol.

Idinagdag pa nito, ang naganap na lindol kamakalawa ay isang paala lamang sa lahat na dapat laging  handa sa anumang mga darating na kalamidad tulad ng lindol.

Ang Metrowide drill ay dapat lalahukan ng 17 local government units, national government offices, educational institutions, at iba pang  stakeholders upang lalo pang palakasin ang ugnayan ng iba’t ibang sektor sa panahon ng sakuna.

Una nang inorganisa ng MMDA ang  â€œOplan Metro Yakal”, isang  earthquake con­tingency plan ng ahensiya na  siyang awtomatikong ipapatupad sa panahon na tumama ang malakas na lindol sa Metro Manila.

Ang “Oplan Metro Yakal” ay kinabibilangan ng 6,000-strong workforce ng ahensiya na sinanay bilang rescue volunteers sa ilalim ng Task Force Rainbow,  kasama ang 1,000 volunteers mula sa iba’t ibang barangays at asosasyon ng  fire brigades at civic organizations.

 

ANG METROWIDE

AYON

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

IDINAGDAG

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

OPLAN METRO YAKAL

TASK FORCE RAINBOW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with