^

Metro

Bangkay ng paslit na nawawala, lumutang sa sapa

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bangkay na nang ma­tagpuan kahapon ng umaga ang isang apat na taong gulang na batang babae na iniulat na nawawala nitong Sabado ng gabi, habang palutang-lutang sa isang sapa sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Sa impormasyong ibi­nigay ni SPO4 Rafael de Peralta ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, ang biktima ay nakila­lang si Angel Siren Aquino, residente ng Seminary Road, Brgy. Bahay Toro sa lungsod.

Natagpuan ang biktima ng residenteng si Rowena Estrelado, habang ito ay palutang-lutang sa may Dario Creek, sa Sitio Inci­nerator ng nasa­bing Ba­rangay Bahay Toro, alas-6:30 ng umaga.

Sa pagsisiyasat ni PO2 Julius Balbuena, alas 6 ng gabi ng  Sabado nang ireport ng kanyang nanay na si Nancy Reyen Darang sa otoridad ang pagkawala ng biktima.

Huling nakita umano itong buhay habang nagla­laro sa harap ng kanilang bahay, hanggang sa hindi na ito makita at makita ki­nabukasan, pero isa nang malamig na bangkay

Namamaga na ang bibig nito ngunit kumpleto pa naman ang saplot sa katawan.
Patuloy ang imbestigahan ng pulisya upang mabatid ang tunay na nangyari sa paslit.

vuukle comment

ANGEL SIREN AQUINO

BAHAY TORO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

DARIO CREEK

JULIUS BALBUENA

NANCY REYEN DARANG

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with