Salvage victim itinapon sa bakanteng lote
MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang biktima ng salvage ang isang lalaki na may dalawang tama ng bala ng baril sa ulo na natagpuan ng mga batang nagÂlalaro sa may bakanteng lote sa Brgy. Patayas, ayon sa pulisya kahapon.
Inilarawan ang biktima na nasa pagitan ng edad na 50-55, may taas na 5’4, Moreno, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng kulay asul na T-shirt na may imprentang Dynamic Engine Rebuilders.
Ayon kay SPO2 Pascual Fabreag, alas-2:30 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa may bakanteng lote ng Palatao compound, Majaas St., ng naturang barangay.
Sinasabing naglalaro ang mga bata sa naturang lugar nang makita nila ang bangkay, kung kaya agad na ipinabatid ito sa barangay.
Nakarekober naman ang Scene of the Crime OperaÂtives (SOCO) sa crime scene ng dalawang basyo ng kalibre 45.
Patuloy na inaalam ng otoridad ang pagkatao ng biktima.
- Latest