^

Metro

Trader patay sa tandem

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muli na namang su­ma­lakay ang riding in tandem sa Quezon City kung saan isang negosyante ang pinagbabaril at mapatay kahapon ng umaga.

Ayon kay PO2 Louie Serbito, nakilala ang biktima na si Marcelino Competente, 50, junkshop owner at residente ng Brgy. Payatas B, sa lungsod.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek matapos ang krimen.

Nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Payatas Road, pagitan ng Empire St., at Siete St., Group 7, Brgy. Payatas B, ganap na alas-6 ng umaga.

Bago ito, sakay umano ang biktima at ang isang Teodorico Glontrinia ng isang tricycle (UW-2289) para magdeliber ng kalakal na scrap na plastic at tinatahak ang nasabing lugar nang biglang sumulpot ang motorsiklo ng mga suspek.

Bigla na lamang umanong pinaputukan ng mga suspect ang biktima sa ulo na agad na ikinasawi nito saka mabilis na nagsitakas ang mga salarin.

Sa pagsisiyasat ng awtoridad, narekober sa crime scene ang dalawang basyo ng kalibre 45 baril.

Inaalam pa ang motibo sa krimen.

 

vuukle comment

BRGY

EMPIRE ST.

LOUIE SERBITO

MARCELINO COMPETENTE

PAYATAS B

PAYATAS ROAD

QUEZON CITY

SIETE ST.

TEODORICO GLONTRINIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with