^

Metro

Maraming pasahero sa MM stranded sa tigil-pasada

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maraming pasahero sa ilang bahagi ng Metro Manila ang nahirapang magbiyahe nitong Huwebes ng umaga dahil sa protest caravan na isinagawa ng mga tansport groups na kontra sa mataas na multa sa mga kolorum na sasakyan.

Nagsimula bandang 6:00 ng umaga ang protesta ng Stop and Go Coalition sa Quezon City Memorial Circle. Hinihiling ng grupo na magkaroon ng moratorium o wag munang ipatupad ang Joint Administrative Order ng Department of Transportation and Communications na nagpapataw ng mataas na multa sa mga may-ari ng kolorum na pampasaherong sasakyan.

Bilang bahagi ng protesta, nagtigil-pasada ang maraming tsuper ng pampasaherong dyipni at UV Express van na may mga ruta sa buong Kamaynilaan.

Isinusulat ang balitang ito ay sobrang sikip na ang daloy ng trapiko sa mga kalsada malapit sa Quezon City circle dahil sa protest caravan.

Samantala, nagpakalat naman ang Metropolitan Manila Development Authority ng mga trak upang tulungan ang mga naapektuhang mga pasahero.

BILANG

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

HINIHILING

JOINT ADMINISTRATIVE ORDER

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

QUEZON CITY

QUEZON CITY MEMORIAL CIRCLE

STOP AND GO COALITION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with