^

Metro

4 mall sa Binondo, sinalakay ng NBI

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinalakay ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat na  mall sa Binondo, Maynila kung saan tinatayang  mahigit P122 milyon halaga ng pekeng Chanel at Burberry products ang  nakumpiska kahapon ng tanghali.

Ayon sa ulat, ang ginawang pagsalakay ay bunsod sa reklamo ng isang See Hock Heng, kung saan ibinebenta umano  ang nasabing mga produkto sa 168 Shopping Mall; 999 Shopping Mall Lucky China Town Mall; 1118 Shopping Mall  at City Square Shopping Mall. 

Ginawa ang pagsalakay matapos na maglabas ng search warrant si Acting Presiding Judge Lyliha Abella-Aquino ng RTC Branch 24, Manila.

Aabot sa 2,279 pirasong mga produkto ng Chanel at Burberry products ang nakumpiska ng NBI sa mga nasabing malls na nagkakahalaga ng P122,390,000.

 

AABOT

ACTING PRESIDING JUDGE LYLIHA ABELLA-AQUINO

AYON

CHANEL

CITY SQUARE SHOPPING MALL

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SEE HOCK HENG

SHOPPING MALL

SHOPPING MALL LUCKY CHINA TOWN MALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with