^

Metro

Kotse vs van nagbanggaan: 1 nasawi

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 40-anyos na lalaki ang nasawi at isa naman ang malubhang nasugatan matapos magsalpukan ang isang kotse at isang delivery van kahapon ng umaga sa Taguig City.

Dead on arrival sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang si Felipe Respicio, ng Brgy. Guadalupe, Makati City dahil sa matinding pinsala na tinamo nito sa ulo. Wasak na wasak rin ang harapang bahagi nang minamaneho nitong Nissan Sentra na may plakang ZTX 925.

Nakilala ang biktima batay na rin sa nakuhang identi­fi­cation card ng mga awtoridad dito.

Samantala ang nakabangga naman nitong driver na si Jeffrey Espiritu, ay nilalapatan din ng lunas sa nabanggit na
ospital dahil sa mga sugat na tinamo nito sa katawan.

Sa report ng Taguig City Traffic Bureau, naganap ang insidente alas-6:15 ng umaga sa kahabaan ng C5 Road, malapit sa Market Market ng naturang lungsod.

Nabatid na minamaneho ng nasawing biktima ang kanyang Nissan Sentra at si Espiritu naman ang minamaneho ang isang delivery van na may plakang RGF-674at kapwa binabagtas ng mga ito ang naturang lugar nang magkasalpukan.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad kung sino ang may kasalanan sa naganap na aksidente. Dahil sa aksidente, nagdulot ito ng mabagal na daloy ng trapiko sa mga motorista.

vuukle comment

BRGY

FELIPE RESPICIO

JEFFREY ESPIRITU

MAKATI CITY

MARKET MARKET

NISSAN SENTRA

TAGUIG CITY

TAGUIG CITY TRAFFIC BUREAU

TAGUIG-PATEROS DISTRICT HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with