^

Metro

Bigong haydyak: 1 patay, 1 sugatan

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang pahinante habang nasa kritikal namang kondisyon ang driver nito nang saksakin ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki matapos  pumalag ang mga biktima sa tangkang pagha-haydyak  ng  mga suspek sa dala nilang  container  van kahapon ng umaga sa Las Piñas City.

Dead-on-arrival sa Ospital ng Parañaque ang biktimang si William Batuga Biagcong, ng San Andres, Cainta, Rizal sanhi ng tinamong dalawang malalim na saksak sa katawan.

Samantala, ginagamot naman sa Zarate Medical Center ang driver na si Zandro Margallo, 34, driver ng Movers Forwarders, na ngayon ay nasa kritikal na kondisyon.

Sa inisyal na report na natanggap ni Senior Supt. Adolfo Samala Jr., hepe ng Las Piñas City Police, na­ganap ang insidente alas-5:20 ng umaga sa C5 Extension, Brgy. Manuyo Dos ng naturang lungsod.

Nabatid na minamaneho ni Margallo ang container van (RHT-107) at kalalabas lamang nila mula sa  warehouse  at hindi akalain na nakaabang sa kanila ang isa sa mga suspek na armado ng baril.

Tinutukan ang mga biktima at pinatigil ang dala nilang­ container van at tangka itong i-hijack ngunit  nang papuputukan na ng suspek ang mga biktima ay hindi pumutok ang baril.

Nagkaroon ng pagkakataong pumalag ang mga biktima subalit hindi akalain ng mga ito na may kasama pala ang suspek na umatake ng saksak sa mga biktima.

Matapos isagawa ang pananaksak ay mabilis na tumakas ang dalawang suspek na nabigo sa tangkang pangha-haydyak. Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa insidente.

 

vuukle comment

ADOLFO SAMALA JR.

CITY POLICE

LAS PI

MANUYO DOS

MOVERS FORWARDERS

SAN ANDRES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with