^

Metro

Nagpautang na, pinatay pa

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay  ang isang lalaki makaraang pagbabarilin ng lalaking nangutang sa kanya ng P1,000 upang may maipambili umano ng iligal na droga, kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Nasawi dahil sa mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Arnolfo Cerna, alyas Peijing, 45, driver, at residente ng Brgy. Bagong Silang, ng naturang lungsod.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspek na nakilala sa pangalang Sonny Cledero, alyas Amo, naninirahan din sa naturang lugar.

Sa isinagawang imbestigasyon ng mga tauhan ng Station Investigation Division (SID) ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong  alas-6:00 ng umaga sa kahabaan ng Phase 4-C, Package 6, Block 41, Excess Lot, Bagong Silang.

Ayon sa ina ng biktima na si Maria Cerna, 64, unang nanghiram ang suspek sa kanyang anak ng P1,000 na ginamit umano nito para pambili ng shabu.  Kahapon, nagpaalam ang anak na magtutungo sa bahay ni Cledero upang singilin ang utang nito.

Ilang minuto pa lang ang lumilipas nang sunud-sunod na putok ang uma­lingawngaw sa lugar at may kapitbahay na nagsumbong sa kanya na binaril ang kanyang anak.

vuukle comment

AMO

ARNOLFO CERNA

BAGONG SILANG

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

EXCESS LOT

MARIA CERNA

SONNY CLEDERO

STATION INVESTIGATION DIVISION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with