^

Metro

QCPD official dedo sa ambush

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng apat na  hindi pa nakikilalang  suspek ang isang opisyal ng Quezon City Police kahapon ng  hapon sa Bgy. Batasan, Quezon City.

Sa inisyal na ulat, nakilala ang biktima na si Insp. Rodelio Diongco, nakatalaga sa Intelligence Unit ng QCPD-Police Station 12.

Alas 2:10 ng hapon nang tambangan ng apat na armadong suspek na sakay ng tig-isang motorsiklo ang biktima habang sakay ito ng kanyang owner type jeep sa may IBP Road, tapat ng Batasang Pambansa.

Kahit sugatan, nagawa pa umanong makalabas ng sasakyan ang biktima at makipagbarilan sa mga suspek, subalit nagloko ang baril ng una dahilan para siya mapuruhan sa putukan at masawi.

Narekober sa crime scene ang may 16 na basyo ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang  motibo ng  pamamaslang.

 

vuukle comment

BATASAN

BATASANG PAMBANSA

BGY

INAALAM

INTELLIGENCE UNIT

KAHIT

POLICE STATION

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE

RODELIO DIONGCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with