^

Metro

Electrician, nakuryente

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -Isang electrician ang namatay makaraang makur­yente habang nagkukumpuni ng ilaw ng isang signage ng restaurant sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Nagawa pang maitakbo sa East Avenue Medical Center  si Bryan Abdon pero hindi na rin umabot ng buhay, ayon kay PO2 Louie Serbito, may-hawak ng kaso.

Nangyari ang insidente sa may Buddy’s restaurant na matatagpuan sa no. 9 Timog Ave­nue, Brgy. Sacred Heart, ganap na alas 2:30 ng mada­ling araw.

Ayon kay James Kevin Silvalana, kasamahan ng biktima, nagkukumpuni ang huli ng nasirang ilaw ng signage ng Buddy’s na nasa itaas, nang ilang sandali ay mapuna nila na nahulog ang plais na gamit nito.

Nang kanilang tignan ang itaas ay saka nakita ang biktima na nanginginig. Agad nilang pinatay ang circuit breaker at ipinagbigay alam ang nangyari sa kanilang supervisor na si Daniel Bueta.

Kasunod nito, humingi ng tulong ang mga kasamahan sa barangay saka inalis ang biktima sa pagkaka-trap sa may signage at itinakbo sa East Avenue Medical Center.

Sa cursory examination sa bangkay ng biktima ay nabatid na nagtamo ito ng burn injury sa kanyang kaliwang kamay.

­

 

vuukle comment

AYON

BRYAN ABDON

DANIEL BUETA

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

JAMES KEVIN SILVALANA

LOUIE SERBITO

QUEZON CITY

SACRED HEART

TIMOG AVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with