^

Metro

Karnaper umatake, SUV tinangay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muli na namang umatake ang mga carjackers sa Metro Manila nang tangayin ang isang sport-utility vehicle (SUV) matapos na
tutukan ng baril ang driver at mga pasahero nito sa Mandaluyong City kahapon ng madaling araw.



Sa sumbong sa Manda­luyong Police ni Rafael Viola, driver ng Montero Sport SUV,  na may plakang UOA-741, dakong 
alas-3:45 ng ma­daling araw nang maganap ang insidente sa tapat  ng 
isang bar-grill sa San Rafael St., Brgy. Plainview, Mandalu­yong 
City, di ka­layuan sa city hall.



Pauwi na umano si Viola at mga kasama nang lapitan sila ng apat na
 suspek na ang isa ay armado ng M-16 rifle, habang ang dalawa pa ay may 
tangan namang kalibre .45 na pistol.



Tinutukan umano ng mga ito ng baril ang mga biktima at pinababa saka tinangay ang kanilang sasakyan at mabilis na tumakas.



Kasalukuyan namang tinutunton ng mga awtoridad kung saan dinala ng mga suspek ang sasakyan.



Matatandaang taong 2011 nang mamayagpag ang mga carjackers kung saan bago tangayin ng mga ito ang kanilang target na sasakyan ay pinapatay muna ang may-ari ng mga ito.

vuukle comment

BRGY

KASALUKUYAN

MANDALUYONG CITY

METRO MANILA

MONTERO SPORT

RAFAEL VIOLA

SAN RAFAEL ST.

UML

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with