Pamilya nahuling nagbabalot ng marijuana sa Caloocan
MANILA, Philippines – Walong miyembro ng isang pamilya ang nasakote matapos mahuli sa aktong nagbabalot ng marijuana sa kanilang bahay sa Caloocan City.
Nakilala ang mga suspek na sina Rodito Arabia, Rosalie Arabia, Bernie Grande, Ernesto Vicio, Rochelle Arabia, Marivic Labajoy, Joseph Arabia at Cindy Periano.
Inabutan ng mga awtoridad ang mga suspek na nagbabalot ng marijuana sa kanilang bahay sa Purok 1, Camarin, Caloocan City.
Ayon kay Northern Police District Chief Inspector Ronald Perilla na nagsisilbing marijuana tiangge ang bahay ng mga suspek.
Nabawi mula sa mga suspek ang apat na bloke g marijuana, tatlong pakete ng shabu at isang .38 revolver na kargado ng anim na bala.
- Latest























