^

Metro

Obrero lasog sa dump truck

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lasog ang katawan ng isang lalaki matapos na mabundol ng isang rumaragasang dump truck habang tumatawid sa maling tawiran sa Quezon Avenue sa lungsod kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni Chief Insp. Enrico Figueroa, ang nasawi na si Rodel Dones, 27, binata, construction worker ng #11 Jose Abad Santos, sa lungsod.

Ayon kay Figueroa, ang biktima ay nagawa pang maitakbo sa East Avenue Medical Center, pero binawian din ng buhay.

Nangyari ang insidente sa may east-bound lane ng Quezon Avenue, sa harap ng Melendre Centre, Brgy. Paligsahan, QC, ganap na alas 12 ng madaling-araw.

Diumano, tumatawid ang biktima sa lugar nang biglang mabundol ng humaharurot na truck at malubhang ma­sugatan.

Ang nakabudol na driver ng truck, sa halip na tulu­ngan ang biktima ay tumakas, matapos ang insidente.

Agad namang rumes­ponde sa lugar ang crew ng MMDA ambulance at isinugod ang biktima sa nasabing ospital pero hindi na rin ito umabot pa ng buhay.

 

AYON

BRGY

CHIEF INSP

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

ENRICO FIGUEROA

JOSE ABAD SANTOS

MELENDRE CENTRE

QUEZON AVENUE

RODEL DONES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with