2 hired killers timbog sa QCPD
MANILA, Philippines - Nalambat ng mga opeÂratiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawang pinaghihinalaang “hired Killlers†matapos na makuhanan ng baril, granada at hinihalang shabu sa isang anti-criminality operation kahapon.
Kinilala ni QCPD Director Chief Supt. Richard Albano ang mga naÂdakip na mga suspek na sina Hairal Suhaili, 42; at Omar Mangbalo, 39; kapwa residente ng Blk. 7 Lot 6, Maguindanao St. MaharÂlika Village, Taguig City.
Sa ulat kay Chief Supt. Albano ni Police Station-12 commander Police Supt. Dario Añasco, nadakip ang mga suspek ganap na alas- 8:45 ng umaga sa kaÂhabaan ng E. Rodriguez Jr. Ave., corner Mercury Ave., Bgy. Bagumbayan, Quezon City.
Nagsasagawa umano ang mga operatiba ng “Operation Lambat†sa lugar nang maispatan ang mga suspek sakay ng isang Euro motorcycle na walang plaka.
Dahil dito, pinahinto ng mga otoridad ang mga suspek para sa beriÂpikasyon kung saan nabatid na wala silang naipakitang mga dokumento para sa motorÂsiklo.
Sabi ni Añasco, nang kanilang kapkapan ang mga suspek ay narekober kay Suhaili ang isang Caliber .45 Colt pistola na may lamang pitong bala; at isang plastic sachet ng hinihinalang iligal na drogang shabu.
Narekober naman kay Mangbalo ang isang granada.
Sa ginawang tacÂtical investigation, inamin umano ng mga suspek na nagta-trabaho sila bilang “hired killers†at may partisipasyon sa may anim na pagpatay sa Metro Manila na bineberipika ngayon ng otoridad.
Sinasabing makikipagkita sana ang mga suspek sa isang grupo na nasa Antipolo nang madakip ng otoridad.
Nakapiit ngayon ang mga suspek sa Eastwood Police Station sa Libis, habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanila.
- Latest





















