^

Metro

Misis inutas sa lamay ng tiyahin

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bulagta ang 33-anyos na misis matapos ratratin ng di-kilalang lalaki sa pasugalan sa lamay ng kanyang tiyahin sa Balut, Tondo sa Maynila kahapon ng madaling araw. Siyam na bala ng baril ng tumapos kay Mary Rose Flores ng #96 A. Nepa Street sa nasabing lugar. Sa ulat ni SPO1 John Charles Duran ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang krimen dakong alas-2 ng madaling araw sa nasabing lugar. Sa imbestigasyon ng pulisya, pumupusta ang biktima sa sugalan nang ratratin ng gunman na nagpanggap na pumusta kung saan nagpulasan ang mga tumataya. Naiwang duguan ang biktima kung saan isinugod pa sa Tondo General Hospital subalit hindi na umabot ng buhay. May nakapagbigay ng impormasyon na ang gunman ay naglakad patungong San Rafael Village matapos ang pamamaril.

vuukle comment

BULAGTA

JOHN CHARLES DURAN

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARY ROSE FLORES

MAYNILA

NAIWANG

NEPA STREET

SAN RAFAEL VILLAGE

SIYAM

TONDO GENERAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with