^

Metro

LTFRB pinalagan sa special permit

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinalagan ng lokal na pamahalaang lungsod ng Makati ang itinakdang kondisyon ng Land Transportation Franchising and Re­gulatory Board (LTFRB) kaugnay sa libreng shuttle service para sa mga nagtatrabaho sa nabanggit na lungsod.

Nabatid na ang  LTFRB ay nagbigay ng special permit para maipagpatuloy ang libreng shuttle service ng Makati City para sa mga pasaherong nahihirapan sa mahabang pila sa Metro Rail Transit (MRT).

Subalit sa pagbibigay ng permit kapalit ang kondisyong obligahin ang mga pasahero na bumili ng single-journey MRT ticket at magprisinta ng Makati-based company ID bago pasakayin sa shuttle­  bus.

Itinuring ng pamahalaan  ng Makati City sa pamamagitan ng legal officer na si Atty. Pio Kenneth Dasal,  na hindi makatwiran ang naturang kondisyon at taliwalas ito sa  layunin ng libreng sakay.

Kasunod nito ipinababa­sura ni Dasal ang nasabing kondisyon sa pamamagitan na rin ng inihain nitong apat na pahinang motion for partial reconsideration.

Iginiit  ni Dasal sa mosyon nito,  na dagdag pahirap lang umano ito sa mga pasahero dahil imbes na makasakay agad sa mga libreng bus, kakailanganin pa nilang pu­mila at bumili ng MRT ticket.

Nagsimula ang libreng sakay sa mga shuttle bus noong Marso 27 para mag­hatid ng mga kababayang apektado ng mahabang pila sa MRT mula North Avenue sa Quezon City patungo sa Ayala Avenue mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga.

vuukle comment

AYALA AVENUE

DASAL

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND RE

MAKATI

MAKATI CITY

METRO RAIL TRANSIT

NORTH AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with