^

Metro

14-babae tiklo sa videoke bar

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot sa 14 na babaeng nagtatrabaho sa iba’t ibang videoke bar ang pinagdadampot ng mga operatiba ng pulisya dahil walang working permits mula sa kinau­ukulang ahensya ng lokal na pamahalaan sa Valenzuela City kahapon ng madaling araw. Bandang alauna ng madaling araw nang magsagawa ng “Oplan Bakal” ang Valenzuela Police Community Precinct 1 sa tatlong KTV bars sa bahagi ng East Service Road, Canumay East sa nabanggit na lungsod. Sa halip na mga kustomer na may bitbit na mga baril at armas ang maaresto, dinampot ng mga tauhan ni PCP 1 Police Insp. Jonathan Olvena ang 14 na guest relation officer (GRO) na nagtatrabaho sa Jjams Resto Bar, Lowella Beer Garden at sa Roadside KTV. Nabatid na walang kaukulang health at working permit ang mga trabahador na babae kaya inaresto ang mga ito sa pag­labag sa pinaiiral na ordinansa sa lungsod.  Nadiskubre rin na walang business permit ang mga nabanggit na videoke bar.

CANUMAY EAST

EAST SERVICE ROAD

JJAMS RESTO BAR

JONATHAN OLVENA

LOWELLA BEER GARDEN

OPLAN BAKAL

POLICE INSP

VALENZUELA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with