^

Metro

2 notoryus na holdaper timbog

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang dalawa uma­nong notorious na hol­daper ng bus makaraang ma­sakote ng mga ope­ra­tiba matapos na muling mangholdap sa Quezon City.

Kinilala ni Supt. Pedro Sanchez, hepe ng Quezon­ City Police District Station 2, ang mga suspek na sina Gaddy Flores, at Luanti Delicoma, na umano’y mi­yembro ng Pasay robbery­ group na umatake sa lungsod­.

Sila ay positibong iti­nuro ng kanilang mga biktimang sina Anne Adigas at Leonard Sy na natangayan nila ng cellphone, at tablet.

Ayon kay Sanchez,  ang modus umano ng dalawa ay sasakay sandali sa isang bus, saka uupo sa gawing estribo o pintuan, na parang mga pasahero, saka agad na hoholdapin ang pasaherong malapit lang sa kanya­ at mabilis na tatakas.

Samantala, nadakip ang mga suspek sa may Sitio San Roque, Brgy. Pag-asa, ganap na alas-8 ng gabi.

Bago ito, sumakay ang mga suspek sa isang bus sa bahagi ng Edsa, patu­ngong Monumento, saka hinoldap ang dalawang bik­tima at tumakas.

Tiyempo namang may nagpapatrulyang pulis ma­lapit sa lugar at nakita ang komosyon dahilan para ha­bulin nila ang mga suspek at maaresto.

Narekober sa mga suspek ang gamit ng mga biktima saka ang dalawang kalibre 38 baril na ginagamit nila sa kanilang iligal na aktibidad.

Samantala, todo tanggi naman ang mga suspek na miyembro sila ng Pasay Robbery group at dala lamang umano ng kahirapan kung kaya nila ito nagawa.

vuukle comment

ANNE ADIGAS

CITY POLICE DISTRICT STATION

GADDY FLORES

LEONARD SY

LUANTI DELICOMA

PASAY ROBBERY

PEDRO SANCHEZ

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with