^

Metro

2 patay,1 sugatan sa pamamaril ng parak

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawa katao ang na­iulat na nasawi habang isa ang nasugatan matapos mamaril ang isang pulis na sakay ng taxi nang kuyugin ng may 10 katao na pawang kabataan­, nang mapagkamalang kaaway, sa Malate, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Namatay habang gina­gamot sa  Manila Adven­tist Medical Center (MAMC) ang mga biktimang sina Camille Ventura, 16, estudyante at Emerson Lopez, 20, na kapwa nagtamo ng bala sa kili-kili at tagiliran.

Kasalukuyan namang nilalapatan pa ng lunas sa Ospital ng Maynila (OSMA) ang sugatang si Carl Michael Cueto, 18, dahil sa tinamong bala sa tagiliran,

Hawak na ng Manila Police District-Homicide Section ang suspek na si PO3 Ariel Yala, 32, nakatalaga sa  Logistic Support Service ng National Capital Region Police habang isinasailalim din sa interogasyon ang mga kasamahan nitong sina Gene Hope Cainglet, 29, receptionist; Rey Chris Saavedra, 29; Jordan Tuilo­, 33, messenger at Agnes Buenaflor,26.

Sa ulat ni SPO3 Glenzor­ Vallejo, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa panulukan ng Mabini at P. Ocampo Sts., Malate, Maynila.

Nasa sampu umano ang bilang ng grupo ng biktima na una nang nakipagrambulan sa Harbor Square sa malapit sa Phi­lippine International Convention Center (PICC)  at nang papauwi na ang grupo habang nakatayo sa isang gasoline station ay dumaan umano ang taxi na sinasakyan nina PO3 Yala at inakalang ang grupong nakaaway ang sakay kaya sapilitang binuksan at  kinuyog ang mga sakay na huminto dahil naka-red ang traffic light.

Napilitan umanong paputukan ni PO3 Yala ang mga kumukuyog sa kanila at inutusan ang taxi dri­ver na patakbuhin na ang taxi.

Subalit, nang sumapit na sa Edsa malapit sa LRT station, ay hinarang at inaresto ng Pasay Police ang grupong sakay ng taxi at itinurn-over sa MPD-station 9.

Sa pahayag naman ng taxi driver, ang grupo ni PO3 Yala ay isinakay niya sa tapat ng Cowboy Grills sa Malate, kaya posibleng napagkamalan nga ng grupo ng mga kabataan.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon para sa isasampang kaso laban sa pulis.

 

vuukle comment

AGNES BUENAFLOR

ARIEL YALA

CAMILLE VENTURA

CARL MICHAEL CUETO

COWBOY GRILLS

EMERSON LOPEZ

MAYNILA

SHY

YALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with