^

Metro

Mayor Lani, mga residente ng Taguig nagpasalamat kay PNoy

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Personal na nagpahatid ng kanyang pasasalamat si Taguig City Mayor Lani Cayetano kay Pangulong Noynoy Aquino matapos nitong ipatigil  ang nakatakdang demolisyon bukas ng Philippine Army Task Group Bantay sa tirahan ng mga residente ng  Katipunan Village, Sitio Masagana, Sitio Masigasig, Sitio Maliwanag at Sitio Matatag  na sakop ng Libingan ng mga Bayani sa Western Bicutan Taguig City.

Ayon kay Cayetano, personal na pasasalamat ang ipinarating  niya sa pangulo kasama ang pasasalamat ng nasa 2,000 pamilya na binubuo ng mga retirado at mga aktibong kawal ng sanda­tahang lakas.

Noong Biyernes ng hapon ay pinadalhan ng liham ni Cayetano si Pangulong Aquino para iapela ang kalagayan ng mga residente at atasan ang Philippine Army Task Group Bantay na ihinto ang nakatakdang demolisyon. Pinadalhan din nito ng liham ang mga concerned national agency at ang mismong PATGB.

Sinabi ni Cayetano na makakaasa ang mga residente ng  Katipunan Village, Sitio Masagana, Sitio Masigasig, Sitio Maliwanag at Sitio Matatag na patuloy na aayuda ang pamahalaang lungsod sa kanila para hanapan ng long-term solution ang problema.      

“Salamat po Pangulong Noynoy. Makakatulog na kami ng mahimbing. Pero hindi po kami hihinto rito, amin pong ipagpapatuloy ang paghanap ng pangmatagalang resolusyon sa aming ipinaglalaban,” wika ni Medel Raquel, presidente ng concern Residence of Katipunan Village (COREKVILLE).

Una rito ay tinawag na iligal ni Cayetano at ng mga residente ang nakatakdang demolisyon ng Philippine Army Task Group Bantay dahil sa paglabag nito sa probisyon ng Republic Act 7279 o Urban Development and Housing Act (UDHA) at ma­ging sa covenant ni Pa­ngulong Aquino at DILG Secretary Mar Roxas sa Urban Poor Alliance (UP All).

Tahasang tinutulan ng alkalde at ng mga residente ang demolisyon dahil sa kawalan ng relokasyon; kawalan ng 30-araw na abiso sa kusang loob na pagbaklas at paglisan; kawalan ng tatlong beses na konsultasyon sa mga apektadong pamilya at ang hindi pagsasagawa ng pre-demolition conference.

 

CAYETANO

KATIPUNAN VILLAGE

PHILIPPINE ARMY TASK GROUP BANTAY

SITIO

SITIO MALIWANAG

SITIO MASIGASIG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with