24/7 ‘express trade lane’ sa mga truckers – Isko
MANILA, Philippines - Tiniyak ni Manila Vice Mayor Isko Moreno na maÂlaking kaginhawaan sa mga truck operators gayundin sa mga motorista ang kanilang naisakatuparang kasunduan kung saan inilagay ang 24/7 ‘Express Trade Lane’.
Sa kanyang pakikipagpulong sa mga truckers, sinabi ni Moreno na inilaan na express trade lane ang magkabilang gitnang bahagi ng lane ng Roxas Blvd mula Padre Burgos hanggang Vito Cruz habang mananatili pa rin ang truck ban.
Ayon kay Moreno, ang kanilang napagdesisyunan ay bahagi pa rin ng kanilang kampanya na maibsan ang masikip na daloy trapiko at ng pinaiiral na daytime truck ban sa ilang bahagi ng lungsod.
Paliwanag ni Moreno, huhulihin pa rin ang mga truck na lalabag sa regulasyon dahil may pinaiiral pa rin ng batas para dito.
Sinabi ni Moreno na indikasyon lamang ito na pinag-aaralan nila ang lahat ng mga posibleng solusyon kung saan ang lahat ay makikinabang at mapagbibigyan.
Sa kabila nito, umapela pa rin si Moreno sa mga truck driver na sundin lang ang batas upang maiwasan na ring makotongan.
Aniya, nakokotongan ang mga ito dahil na rin sa paglabag sa batas.
Ayon naman sa isang opisÂyal ng city hall, mas magiging maluwag ang daloy ng mga sasakyan kung ipatutupad din ng mga kalapit lungsod ang pinaiiral sa Maynila.
Aniya, ang lahat naman ay makikinabang kung mabilis ang daloy ng pagbabago.
- Latest