^

Metro

Libreng school supplies sa 30,000 mag-aaral

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Malaking halaga ang natipid sa gastos sa pasukan ng mga magulang ng 30,000 mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa Caloocan City makaraang mamigay ng libreng bag at school supplies ang pamahalaang lungsod ng Caloocan bago sumapit ang pasukan ngayong Hunyo 2.

Sinabi ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan na ang pamimigay ng libreng bag at school supplies ay bilang pagpapakita ng su­porta sa libreng pag-aaral ng mga kabataan sa na­sabing lungsod at maibsan ang gastusin ng mga ma­ralitang magulang.

Laman ng mga backpack bags na ipinami­migay ang mga kuwaderno, pencil­ case, lapis, ballpen at pambura­.

Ipinagmalaki ng pamahalaang lungsod na buhat nang maupo sa puwesto ay agad na namigay na ng libreng school supplies si Malapitan at inaasahang magiging taunang programa na para sa mga mahihirap na mag-aaral.

Idinadaan naman ang pamimigay ng mga libreng bag at school supplies sa pamamagitan ng Department of Education-Calo­ocan Division para sa maayos na pagpapakalat nito sa mga karapat-dapat na mag-aaral.

CALOOCAN

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY MAYOR OSCAR MALAPITAN

DEPARTMENT OF EDUCATION-CALO

HUNYO

IDINADAAN

IPINAGMALAKI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with