Rehabilitasyon ng Escolta, isusulong
MANILA, Philippines - Pumayag ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ang lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila ang mamahala sa nakatakdang rehabilitasyon ng Escolta, na maÂituturing na makasysayang sentro sa larangan ng pangangalakal sa bansa.
Sa pakikipagpulong ni MMDA Chairman Francis Tolentino kay Manila Mayor Joseph Estrada, nabatid na suporta lamang ang magiging papel ng nasabing ahensiya at ang magiging lead agency sa proyekto ng rehabilitasyon ng Escolta ay ang pamahalaang lungsod ng Maynila.
Isinulong ang rehabilitasyon ng Escolta maÂtapos muling buksan ng MMDA ang operasyon ng Pasig River Ferry at dahil na rin sa makaÂsaysayang lugar sa Maynila kung saan ito rin ang maituturing na unang historic business capital sa bansa. Subalit sa nakaliaps na dekada ay unti-unting naglaho ang kasikatan ng Escolta makaraang sumulpot ang Central Business District sa Ayala Center, Makati City at Bonifacio Global City sa Taguig City.
Upang maibalik at sumigla ang ekonomiya ng Escolta ay sinuportahan ng MMDA at pamahalaang lungsod ng Maynila na buhayin ito at muling humikayat ng mga turista.
- Latest