^

Metro

Mister, kritikal sa saksak ni misis

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inoobserbahan ngayon ang kondisyon ng isang mister makaraang masaksak ng kanyang misis sa gitna ng kanilang away sa loob ng bahay sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Isinugod sa Tondo Me­dical Center ang biktimang si Norman Yondan, 30, chef ng isang hotel at residente ng Victoneta St., Brgy. Pot­rero, ng naturang lungsod.  Naaresto naman ang misis nitong si Maricel, 26-anyos.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-3:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mag-asawang Yondan.  Lasing umano ang mister nang dumating sa bahay at kinompronta ang asawa.

Ayon naman kay Maricel, nagawa lamang niyang saksakin ang mister dahil na rin sa madalas na pananakit nito sa kanya tuwing malalasing. 

Agad namang nakahingi ng saklolo si Yondan sa mga kapitbahay na nagdala sa biktima sa pagamutan habang kusang-loob na sumuko ang misis. 

Inaalam naman ang pi­nagtalunan ng mag-asawa bago ang pananaksak.

 

AYON

BRGY

INAALAM

MALABON CITY

MARICEL

NORMAN YONDAN

TONDO ME

VICTONETA ST.

YONDAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with