PNP, NBI nagsanib vs anak na pumatay sa ama
MANILA, Philippines - Pinaigting ng mga law enforcement agencies ang paghahanap sa suspek sa pagpatay sa sarili nitong ama sa Las Piñas City noong SetÂyembre 11, 2013.
Kahapon ay tulung-tulong sa pagtugis laban kay Nelson Bermejo Antonio, 44, ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation, Police Regional Office 4-A, National Capital Region Police Office, PNP-Criminal Investigation and Detection Group, PNP Intelligence Group at ang PNP Task Force Tugis, kaÂsunod ng natanggap na impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng suspek.
Si Nelson ang sinasabing responsable sa pagpatay sa kanyang ama na si Antonio Pabalan Antonio, sa kasagsagan ng kanilang pag-aaway sa loob ng kanilang tahanan.
Kabilang sa mga lugar kung saan sinasabing namataan ang suspek ay ang Batangas, Oriental Mindoro, Parañaque City at Las Piñas. May impormasyon din ang mga awtoridad na plano ng suspek na magtungo sa Panay Island nang maispatan ito sa Mindoro Oriental port.
Nagsimulang magdatiÂngan ang mga impormasyon hinggil kinaroroonan ni Nelson nang mag-alok ang mga kaibigan at supporters ng biktima ng P300,000 cash reward para sa anumang impormasyon na magiging daan para maaresto ito makaraang magpalabas ng warrant of arrest ang Parañaque City RTC Branch 257. Walang piyansang inirekomenda para sa paglaya nito.
Pinayuhan naman ni Senior Supt. Albert Ignatius D. Ferro, head ng Criminal InÂvestigation and Detection Unit ng PNP-CIDG, ang mga awtoridad na maging maingat sa ginagawa nilang manhunt operation dahil si Nelson ay ikinukonsiderang ‘armed and dangerous.’
Si Nelson ay una nang siÂnampahan ng kasong parÂricide nang pagbabarilin umano ang sariling ama sa kabila ng pagmamakaawa nito sa 118 Concha Cruz Drive sa BF Executive Homes sa Las Piñas City dahil lamang sa hindi pagkakaunawaan tungkol sa nakawang naganap sa tahanan ng biktima, kung saan ang anak ang itinuturo umanong may pakana.
Sa sinumang may impormasyon sa suspek ay itawag sa (Smart) 0947-3010426 o (Globe) 0906-4940710.
- Latest