^

Metro

Misis dinedo ni mister saka nag-suicide

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binaril at napatay ang  28-anyos na misis ng kanyang mister bago nagbaril sa sarili ang lalaki sa harap mismo ng kanilang anak na batang lalaki kahapon ng madaling-araw sa Azucena Street, Barangay Roxas District, Quezon City.

Napuruhan sa sintido si Erika Mauricio habang nagbaril naman sa bibig na tumagos sa batok ang mister na si Al Bryan Padua na kapwa overseas Filipino workers.

Ayon kay P/Chief Insp. Rodelio Marcelo, hepe ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit, nadiskubre ang insidente ng isang babaeng nangungupahan sa katabing silid ni Mauricio na si Ginalin Famataga.

Ayon kay PO2 Alvin Quisumbing, si Mauricio ay OFW sa Dubai habang si Padua naman ay sa Japan kung saan ang mag-asawa ay sinasabing may anak na 5-anyos at nasa poder ito ni Mauricio sa Dubai.

Nabatid na nagbalik-ba­yan ang babae noong Mayo 15 habang umuwi naman ang lalaki noong Sabado (Mayo 17) kung saan sinundo pa ng mag-ina sa airport.

Napag-alamang hindi na maayos ang samahan ng dalawa sa hindi mabatid na dahilan.

Ayon sa saksing si Famitaga, bago ang insidente, nagising siya matapos ang dalawang putok ng baril mula sa silid ng mag-asawa bandang alas-3 ng madaling araw pero binalewala lamang niya ito.

Gayon pa man, makalipas ang dalawang oras, napilitang usisain ni Famitaga ang kuwarto kung saan natag­puan si Mauricio na dugu­ang nakahandusay sa kama habang si Padua naman ay duguang nakaupo sa sahig.

Nakita rin sa crime scene ang kanilang anak na umiiyak sa sulok ng silid at humihingi ng gatas.

Narekober din sa crime scene ang isang cal. 45 pistol at dalawang basyo ng bala.

vuukle comment

AL BRYAN PADUA

ALVIN QUISUMBING

AYON

AZUCENA STREET

BARANGAY ROXAS DISTRICT

CHIEF INSP

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

DUBAI

ERIKA MAURICIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with