^

Metro

Driver timbog sa P.2-M nilimas sa ATM card

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagsilbing susi ang closed circuit television (CCTV) camera para maaresto ang isang kawani na responsable sa pagna­nakaw ng P.2 milyong cash sa ATM card ni Napolcom Commissioner Alejandro Urro sa isinagawang operasyon sa Makati City kamakalawa ng tanghali.

Kinilala ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group Chief P/Director­ Benjamin Magalong ang suspect na si Franklin Pagulayan, kawani ng nabangit na ahensya at driver mismo ni Urro.

Bandang alas-11 ng tanghali nang ares­­tuhin ng PNP-CIDG operatives ang suspect sa loob mismo ng Napolcom.

Sa tala ng pulisya, dumulog si Urro sa  tanggapan ng PNP-CIDG kaugnay sa pagkawala ng kaniyang  ATM card na naglalaman ng malaking halaga at pinaniniwalaang ninakaw mismo ng kaniyang driver.

Agad namang inilatag ang imbestigas­yon ng PNP-CIDG-Anti Fraud Crime Commission Unit sa pamumuno ni P/Senior Supt. Bartolome Bustamante.

Habang sinusuri ang CCTV footage kung saan nairekord ng bangko ang mga withdrawals gamit ang nasabing ATM card ay nakita ang mukha ni Pagulayan kaya nakumpirma ang hinala ni Urro.

Lumilitaw naman sa imbestigasyon na nagawang makapag-withdraw ng 50-beses si Pagulayan mula sa ATM card ng kaniyang amo na umabot sa P.2 milyon.

Nabatid na may pagkakataon umano na inuutusan ni Urro ang kaniyang driver na mag-withdraw gamit ang kaniyang ATM card dahil sa tiwala nito pero naghudas ang suspect.

 

ANTI FRAUD CRIME COMMISSION UNIT

BARTOLOME BUSTAMANTE

BENJAMIN MAGALONG

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP CHIEF P

FRANKLIN PAGULAYAN

MAKATI CITY

NAPOLCOM COMMISSIONER ALEJANDRO URRO

PAGULAYAN

URRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with