VP ng corp. hulog mula sa 16th flr. ng condo
MANILA, Philippines - Namatay ang 54-anÂyos na executive officer ng kilalang development corporation makaraang malaglag mula sa ika-16 na palapag ng tinutuluÂyang condominium building noong Martes ng umaga sa Makati City.
Sa naantalang ulat ng Makati City PNP, kinilala ang biktima na si Efren Tan, vice president for sales and property ng corporation.
Sa imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na wala namang ibang kaÂsama sa kanyang unit sa ika-16 na palapag si Tan sa BSA tower sa #108 Legazpi Street, Legazpi Village sa Barangay San Lorenzo nang maganap ang insidente.
Si Tan ay bumagsak sa canopy sa ika-7 palapag ng nasabing condo mula sa ika-16 palapag ng kanyang unit.
Ayon kay P/Senior Supt. Manuel Lukban, hepe ng Makati City PNP, tanggap na rin ng paÂmilya ng biktima na isang uri ng pagpapakamatay ang naganap na insidente lalu na’t inihayag sa pulisya ng kanyang driver na balisa at tila malalim ang iniisip ni Tan nang magpahatid sa kanyang condominium.
Hindi naman inihayag ng pamilya kung ano ang posibleng dahilan ng pagpapatiwakal ni Tan habang nagpahayag na ng kalungkutan ang pamunuan ng korporasyon sa naganap na pangyayari.
- Latest