^

Metro

Isa pang suspek sa Vhong case, kinilala

Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinag-utos na si Justice Sec. De Lima sa state prosecutor’s panel at kay Prosecutor Ge­neral Claro Arellano na amyemdahan ang na­unang impormasyon na tumutukoy sa tunay na pagkakakilanlan ng isa pang suspek sa Vhong case.

Si Edgardo Sampana na isa sa mga akusado na tinaguriang John Doe na may hawak na duct tape sa loob ng elevator kasama nina Simeon “Zimmer” Raz at Bernice Lee ang hindi naisama sa listahan ng mga akusado sa pambubugbog sa actor/TV host  na si Vhong Navarro.

Ang pagkakakilanlan ng suspek ay nakalap ng kolumnista ng PSN/PM na si Tony Calvento sa isang impormante matapos makipagkita ang representanteng si Manuel “Jojo” Tan na sinasabing malapit na kaibigan ng isa sa mga akusadong si Jed Fernandez.

Pakay ni Tan na ka­­usapin si Calvento ka­ugnay sa pagsuko ni Fernandez para ma­ging state witness sa na­sabing kaso pero habang nakikipag-usap kay Tan ay tumawag ang isang impormante kaugnay sa tunay na pagkakakilanlan ng John Doe.

Gayon pa man, pina­unlakan ng impormante na makipagkita kay Calvento para ibigay ang katauhan ni Sampana kung saan nagbigay pa ito ng scanned photo at karag­dagang impormasyon.

“Walang hiniling na anumang gantimpala ang impormante sa akin at may isang kahilingan lamang, ‘Hulihin at ilagay sa loob ng kulungan ang taong ito dahil  siya’y mapanganib,” pahayag ni Calvento

“Ipinakita ko naman ang litrato kay Navarro at positibo nitong kinilala si Sampana na siyang naglagay ng duct tape sa kanyang pulso at mga kamay nung ga­bing ‘yun,” dagdag pa ni Calvento

Pinakuha na ni Justice Sec. De Lima ang kopya ng CCTV footage ng pulong ng grupo sa isa sa hotel sa Makati City at nasa pag-iingat na nga­yon ng National Bureau of Investigation (NBI).

vuukle comment

BERNICE LEE

CALVENTO

CLARO ARELLANO

DE LIMA

JED FERNANDEZ

JOHN DOE

JUSTICE SEC

MAKATI CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with