^

Metro

Barangay kagawad tiklo sa baril

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Rehas na bakal ang binagsakan ng 49-anyos na barangay kagawad matapos arestuhin ng mga operatiba ng pulisya dahil sa bitbit na baril na walang lisensiya habang nag­la­lakad sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Pormal na kinasuhan ni Manila PNP District-station 4, commander P/Supt. Rizalino Padrique ang suspek na si Kagawad Mario Rodrigo .49, may-asawa, ng Barangay 424, Zone 43, at nakatira sa #1721 Lardizabal Extension,  Sampaloc,  Manila.

Ayon kay Padrique, nakatanggap sila ng impormas­yon mula sa nagpakilalang residente ng M Dela Fuentes Street kaugnay sa isang lalaking may bitbit na baril.

Inatasan ni Padrique ang mga tauhan na inspeksyunin ang nasabing lugar kung saan naabutan pa ang suspek na hawak ang cal .38 revolver.

Wala namang maipakitang dokumento ang suspek sa bitbit na baril kaya ito inaresto sa paglabag sa illegal possession of firearms (Republic Act 8294).

AYON

INATASAN

KAGAWAD MARIO RODRIGO

LARDIZABAL EXTENSION

M DELA FUENTES STREET

MAYNILA

PADRIQUE

REPUBLIC ACT

RIZALINO PADRIQUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with