^

Metro

Paniningil sa Pasig River Ferry Boat, simula na

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Simula ngayong araw (Mayo 16) ay maniningil na ng pamasahe ang Pasig River Ferry Boat System ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos ang dalawang linggong libreng sakay.

Base sa inaprubahang fare matrix ng Department of Transportation and Communications (DOTC), lumalabas na P30 ang singil sa malapitang destinasyon habang aabot sa P50 ang pinakamalayo.


Nabatid na magbabayad ng P30 ang mga pasaherong bibiyahe patungo at pabalik ng Guadalupe-PUP Station  at PUP-Plaza Mexico Station habang P50 naman ang singil sa mga pasaherong patungo at pabalik ng Pinagbuhatan-Guadalupe  Station, Guadalupe-Escolta at Guadalupe-Plaza Mexico.
Gayunman, ayon sa MMDA, sa dalawang susunod na Sabado (Mayo 17 at 24) ay libre ang sakay sa ferry service para makatulong sa mga magulang na mamimili ng school supplies sa Divisoria para sa kanilang mga anak.
Sa tala ng MMDA, tinatayang halos nasa 800 ang pasahero ang sumasakay dito araw-araw.

 

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

DIVISORIA

GAYUNMAN

GUADALUPE

GUADALUPE-ESCOLTA

GUADALUPE-PLAZA MEXICO

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NABATID

PASIG RIVER FERRY BOAT SYSTEM

PLAZA MEXICO STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with