GM Vitangcol nagharap ng kasong perjury vs Czech Ambassador
MANILA, Philippines - Nagsampa ng kasong perjury si Metro Rail Transit (MRT) 3 General MaÂnager Al Vitangcol laban kay Czech Ambassador Josef Rychtar sa Makati City Prosecutor’s Office maÂtapos siyang akusahan nito ng umano’y pangiÂngikil sa isang kompanya ng bansa nito.
Nabatid na noong Lunes, Mayo 12, isinampa ni Vitangcol ang kaso laban sa naturang ambassador matapos na akusahan siya ng huli hinggil sa tangkang pangingikil ng $30 milyon sa isang Czech company. Ito ay bilang kapalit umanong kontrata sa pagbili ng mga bagong bagon ng MRT, na mariin namang itinanggi ng maÂnager ng MRT.
Sa isang pahayag ni Vitangcol, nilinaw nito na personal ang desisyon niyang tuluyang kasuhan sa Makati City ProseÂcutor’s Office si Rychtar at wala aniyang kinalaman dito ang Department of Transportation and Communications (DOTC) at ang pamunuan ng MRT.
- Latest