^

Metro

Misis tumangging makipagbalikan, inutas ni mister

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang babae ang sinasa­bing pinatay sa saksak ng kan­yang sariling asawa matapos na tanggihan ng una ang giit ng huli na magkabalikan na sila sa Quezon City, kamakalawa.

Si Patricia Andrea Zamora, 30, crew sa isang fastfood ay nasawi matapos na magtamo ng mga saksak sa dibdib at likurang bahagi ng kanyang katawan, ayon kay PO2 Jogene Hernandez, may-hawak ng kaso.

Ang suspek na tinukoy ng kaanak ng biktima na res­ponsable sa pagpatay ay ki­ni­lalang si Joseph Divino, 33, massage therapist naninirahan sa Block 3, Lot 23, Champaca St., Brgy. Pasong Putik ay mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Ayon kay Hernandez, nang­yari ang insidente sa loob ng isang computer shop na pag-aari ng nasawi sa Block 3, Lot 23, Champaca St., ng nasabing barangay, alas-7 ng gabi.

Sa pagsisiyasat, lumilitaw na April 27, 2014, inireklamo ng biktima ang kanyang asawa sa barangay dahil sa umano’y ma­­dalas na pana­nakit sa kanya­. Simula noon, nagdesisyon ang biktima na hiwalayan ang suspek at umalis sa kanilang bahay at manirahan pansamantala sa ka­ni­lang com­puter shop.

Nitong May 11, 2014, ganap na alas-7 ng gabi, bago ang insidente, nagpunta ang suspek sa kanyang biyenang babae na si Vivian Atanza na nasa tabi lamang ng computer shop naninirahan at inimbita ang biktima at pamilya nito sa isang dinner bilang parte na rin ng kanyang muling panliligaw sa asawa. Gayunman, tumanggi ang biktima at pa­milya nito.

Matapos nito, habang ang nanay ng biktima na si Aling Vivian ay busy sa pagluluto ng pagkain sa kanilang bahay ay dumating ang 11-anyos na anak na babae ng biktima at iniabot dito ang isang sulat galing umano sa suspek at sinabing “wala na si Mommy.”

Dahil dito, agad na nagpunta si Aling Vivian sa computer shop na tinutuluyan ng biktima, pero pagsapit niya dito ay nakasarado ang pinto.

Sa puntong ito, nagpas­yang humingi ng tulong si Aling Vivian sa barangay opis­yal sa lugar at puwersa­hang binuksan ang pinto kung saan tumambad sa ka­nila ang walang buhay na ka­tawan ng biktima habang nakahiga­ at duguan.

Patuloy ang pagsisiyasat ng otoridad sa nasabing insidente.

 

ALING VIVIAN

BIKTIMA

CHAMPACA ST.

JOGENE HERNANDEZ

JOSEPH DIVINO

NITONG MAY

PASONG PUTIK

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with