^

Metro

Preso, nagbigti o binigti?

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinatay o nagpakamatay.

Ito ang iniimbestigahan ngayon ng mga otoridad sa pagkakadis­kubre sa isang preso sa Quezon City jail na umano’’y nagbigti gamit ang alambre sa loob ng kanyang tarima, kamakalawa.

Kinilala ni PO2 Anthony Teje­rero, may-hawak ng kaso, ang nasawi na si Antonio Diño 53, miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik gang, ng Bgy. Culiat, QC.

Ayon kay Tejerero, ang biktima ay nadiskubre na lamang umano ng kanyang kasamang preso na si Alberto Chanco, habang nakahiga sa kanyang kama sa loob ng selda no. 7 ng QC jail, alas 3:30 ng hapon.

May alambre umano sa leeg na hinigpitan sa pamamagitan ng kahoy na stick nang makita ang biktima na isinugod pa sa East Avenue Medical Center, gayunman idineklara din itong patay ni Dr. Maynard Hernal, ganap na alas 4:26 ng hapon.

Samantala, ayon kay Supt. Joseph Vela, jail warden ng QC jail, nakipag-coordinate na umano sila sa Regional office ng BJMP kaugnay sa insidente. Hinihintay pa anya nila ang imbestigasyon ng CIDU upang mabatid kung may naganap na foul play.

Si Diño ay naharap sa kasong paglabag sa Sec 5 at 11, RA 9165 o ang comprehensive drug abuse law sa QC RTC Branch 82.

 

ALBERTO CHANCO

ANTHONY TEJE

ANTONIO DI

DR. MAYNARD HERNAL

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

JOSEPH VELA

QUEZON CITY

SI DI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with